Sa latest showbiz update ni Ogie Diaz sa kanyang youtube vlog kasama si Mama Loi ay napag-usapan nila ang tungkol kina Willie Revillame at John Lloyd Cruz.

May lumalabas kasi na tsismis na umatras raw si Willie sa sitcom nila ni John Lloyd kasama si Andrea Torres sa GMA-7.

"Hindi na raw tuloy si Willie Revillame dun sa proyekto nilang sitcom ni John Lloyd Cruz," sabi ni Mama Loi kay Ogie 

"Baka imbento lang yan ha,"sambat naman ni Ogie 

"Teka muna, kasi ang alam ko, super all out support si Willie kay John Lloyd sa kanyang comeback. Diba, nag-Shopee Shopee pa ganyan. 

“Tapos um-appear din si John Lloyd tapos nangako si Willie na susuportahan si John Lloyd, bibigyan ng sitcom, siya pa magla-live produce.

 “Eh hindi ko alam, kasama rin ata dun bilang aktor o komedyante sa sitcom si Willie. So yan na ngayon?" tanong ng komedyante 

Ayon pa kay Mama Loi, may nakita raw si Willie na ugali ni John Lloyd na hindi niya nagustuhan.

"Ito na nga, speaking of dun sa event nila. After daw nung Shopee event, dun sa cash party. May nakita raw si Willie tsaka yung ibang mga bossing nung network na hindi kaaya-ayang ginawa ni John Lloyd,” sabi ni Mama Loi 

"Pagandahin na lang natin. Siguro may nakita si Willie na, yun nga, ginawa ni John Lloyd, na di niya nagustuhan,"

 "Kung totoo man yan,Mahirap yan ano. Hindi, kasi nga ayaw naman natin i-judge si John Lloyd kasi yun comeback niya, hindi naman para udlutin natin."sabi ni Ogie 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post