Ikinuwento ng kapamilya actor na si Christian Bables ang kanyang karanasan tungkol sa nagviral na "The Pop Star Meal".

Kwento ni Christian, sumugod umano siya agad sa Jolibee para umorder ng nasabing meal na hango sa pangalan ni Sarah Geronimo dahil akala niya ito ay totoo.

"Nag drive thru ako for the pop star meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa.

"Hi ate sa Jollibee drive thru, sa lutong ng tawa mo kanina nung ineexplain ko yung meal na merong coke sarah, busog na ako. Happy to have made your night. sabi Christian sa kanyang post 

Dagdag pa ni Christian, ganito raw niya inorder yung nasabing meal: "Hahaha yung pagkaka explain ko pa eh: “ate yung nuggets na star, na may coke sarah”. Sa lutong ng tawa ni ate, parang 10 years na kami magkaibigan "

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post