Sa vlog ng komedyanteng si Ogie Diaz, ay guest niya ang beteranong actor at komedyante na si Joey Marquez.

Sa nasabing interview, ay tinanong ni Ogie si Joey kung may plano pa ba siyang dagdagan ang 16 niyang anak.

"Medyo unfair na sa bata kasi kapag nag-10 years old siya, otsenta na ako hindi ko na kaya

"Desisyon ko na (itigil na), kasi masyado na akong may edad para magkaanak pa. Baka hindi ko na abutin ang pagkabinata o pagkadalaga niya. Gusto kung maabutan pa ‘yung mga apo ko, eh,"

Si Joey ay mag 61 years old na ngayong oktubre.

May nakaprepare na rin daw na kung ono ang para sa kanyang mga anak kung sakaling mawala na siya.

"Oo kasi ako ‘yung taong hindi maluho. Hindi ako mahilig maglalabas, hindi ako mahilig bumili ng kung anu-ano. 

"Hangga’t maaari kasi ipon lang ako nang ipon. Hindi para sa akin kundi kahit paano may maiwan ako para sa mga anak ko kasi alam ko magiging magulang sila at ayaw kong mamroblema pa sila para sa mga anak nila,"

Mayroon narin umano siyang last will.

"Oo nandoon lahat ang pangalan nila at ang nakakaalam no’n, ate (Via) ko. Kasi siya ‘yung nagsabi na ‘Joey mga anak mo, pantay-pantay ha, walang favorite-favorite diyan.’ Yun ang paalala niya sa akin."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post