Ibinunyag nang kapamilya host-actor na si Luis Manzano na inoferan siya para maghost ng reality tv show ng GMA 7 na Starstruck.

Sa kanyang vlog kasama ang kanyang asawang si Jessy Mendiola at kaibigan niyang si Alex Gonzaga ay nagbigay ng trivia ang actor.

Ayon kay Luis, siya raw sana ang magiging host ng Starstruck at yung panahong iyon ay si Nancy Castiglione pa ang kanyang girlfriend.

“Trivia, alam niyo ba dapat ako ‘yung mag-ho-host ng ‘StarStruck’?” sabi ni Luis

“Oo, eh binigay sakaniya SCQ (Star Circle Quest)…” sambat naman ni Alex

“Nung unang-una dapat, in-offer sa akin yun. Girlfriend ko nung time na iyon was Nancy Castiglione… Sila ni Dingdong yata yung nag-host nung first season…” dagdag pa ng actor 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post