Magjowa na kaya ang GMA News Anchor na si Atom Araullo at ABSCBN news Anchor na si Zen Hernandez? 

Ito ang tanong ng masugid na mga followers ina Atom at Zen matapos ibahagi sa instagram account ng batikang broadcaster na si Pinky Web ang larawan nilang tatlo nito lamang June 21.

Isang makahulugang caption sa nasabing larawan ang nilagay ni Pinky at inamin nitong kinilig siya.

"It was such a nice surprise‼️Syempre, kinilig ako 🥰. Kasi, alam mo na……it’s always so nice to see former officemates diba? 😜Family is love 💙Kayo talaga…"sabi ni pinky sa kanyang post 

Samantala nagpost rin si Zen ng larawan nilang tatlo at ayon sa kanyang post, kuha ang mga larawang ito sa Balisin, isang private beach resort sa Polillo, Quezon.

Binati rin ni Zen si Pinky sa kanyang birthday.

" Bumped into this island goddess in Balesin. Belated Happy Birthday, @pinkywebb! Bakit muka ka pa ring 30, eh di ba 32 ka na? 😜🥂 "

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post