Hinding-hindi makakalimutan ni Darren Espanto ang mga payo sa kanya noon ni Sarah Geronimo.

Matatandaan na si Sarah ang naging coach ni Darren Espanto sa "The Voice Kids" ng kapamilya network.

Ayon kay Darren, isa sa mga hindi niya makakalimutan na payo sa kanyang ni Sarah ay ang pagiging totoo at sincere.

"Sing from your heart.’ It was a constant reminder that she would tell me throughout the competition,

"Bilang isang bata, gigil ka lang talaga kumanta and to show your best in every performance. Pero, ang kulang sa akin that time, of course, since hindi ko naman alam ‘yung karamihan sa meaning ng mga songs na kinakanta ko, talagang kinakanta ko lang,"

Hindi rin makalimutan ni Darren ang sinabi noon ng kanyang coach na napaka-importante na mula sa puso ang pagkanta.

"My Ate Coach would tell me to really sing from the heart. ‘Basahin mo ‘yung lyrics, damdamin mo kung ano ang sinasabi ng kanta, para mas mailabas mo ‘yun sa performance mo, at mas maka-relate ‘yung tao sa ‘yo.’ Hanggang ngayon, tumatatak iyon sa akin" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post