Inulan ng paghanga ang actor na si JM de Guzman matapos itong maispatang tumulong sa pagresponde sa isang sunog sa Manila.

Sa video na ibinahagi ni JM sa kanyang instagram, makikita na kasama niya ang mga firefighters na pumupunta sa nasunugan matapos silang makatanggap ng tawag.

"Okay guys, totoong sitwasyon ng pagresponde. Habang nagpapahinga kami, biglang may sunog sa Paco, Manila," panimula ni JM 

Ibinunyag din ng actor na kinakabahan raw sila dahil 1st time raw nila itong sumabak sa ganitong sitwasyon.

"Pupunta kami ngayon dun para rumesponde. Kinakabahan po kami dahil first time po namin sasabak sa ganitong sitwasyon." 

 "Malaki raw yung sunog. Di po 'to drama or teleserye, just real life." 

Panoorin dito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post