Masayang nagdiwang ng kanyang 24th birthday ang kapamilya star na si Maymay Entrata. 

Sa kanyang instagram, ibinahagi ni Maymay ang kanyang larawan at may napakahabang caption na: 

"Dumaan man ang isa sa mga pinaka mahirap na pagsubok sa buhay ko at kahit hanggang ngayon ay nasa kalagitnaan parin ako ng hamon sa buhay hindi lang sa pandemya kundi sa sarili ko, ang dami parin dapat pasalamatan at isa na dito ay ang unconditional love ng mga mahal ko sa buhay na syang tanggap ang buong pagkatao ko na kung saan habang buhay ko itong dadalhing inspirasyon. Hindi ko hahayaang masira pa ang napakagandang binigay ng tyansa ng Panginoon na tatagan ko pa ang sarili ko and continue to live right.

Ang aking kaarawan ay selebrasyon hindi lamang para sa sarili ko kung hindi para sa mga taong patuloy na pinaparamdam sa akin ang totoong pagmamahal. Patuloy kong ipinagdarasal na sana’y mas palakasin pa ng ating panginoon ang ating loob upang malagpasan natin kung ano man ang hirap na pinag dadaanan ng bawat isa sa atin. Alam ko balang araw maging ok din ang lahat. As what God has promised in Jeremiah 29:1, “for I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Sa lahat po ng mga bumati sa akin, hindi ko man po kayo lahat mareplyan, taos puso po akong nagpapasalamat. Sobrang randam ko po ang pagmamahal ninyong lahat. Nawa’y patuloy nating ipalaganap ang pagmamahal sa lahat at unawain ang isa’t isa dahil yan ang mas kelangan natin sa mga panahong ito. Again"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post