Gustong tularan ng actress na si Alyanna Angeles ang yapak ng kanyang tita na si Angel Locsin sa pagtulong ng mga tao.

“I really look up to tita Angel kasi sa lahat ng strengths niya, sa advocacies niya, and super matulungin sa tao. Di ba sinasabi nila na she’s a real-life hero,” sabi ni Alyanna na kabilang sa grupong Squad Plus. 

Bukod sa pagiging matulungin, umaasa rin si Alyanna na maging katulad ni Angel sa galing sa pag-arte.

“I like the way she acts and how she has her feet on the ground pa rin. How she has a good heart despite kung sino na siya ngayon. And gusto ko rin na magaling siya mag-acting,”

Gusto rin daw maka-usap ni Alyanna si Angel tungkol sa mga charity works.

“I think I would like to talk to her more about that because I have to educate myself more. I’m still young. So maybe in the future I would also consider doing that,” 

Nagpaabot naman ng mensahe si Alyanna kay Angel.

“Tita Gel, I just hope you stay strong and we all believe in you, and we hope you are okay since hindi mo naman kasalanan 'yung nangyari. And we know that your intentions are pure, and you just want to help people out,” 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post