Personal na tinulungan ng mga artistang sina Matteo at Sarah Guidicelli, John Arcilla at Kim Molino ang may-ari ng asong gumanap sa Unforgettable movie ni Sarah G.

Milyon kasi ang kinakailangan ni Tristan Huerstas, 31 sa sumailalim sa isang surgery matapos itong magkaroon ng aneurysm, nagbara ang kanyang ugat sa puso.

Sa ngayon ay medyo bumuti na ang kalagayan ni Tristan matapos maging successful ang kanyang operasyon.

Sa kanyang facebook page at labis siyang nagpapasalamat sa mga nasabing artista na personal nagmessage sa kanya at nagbigay ng tulong.

Sabi niya sa kanyang facebook post: "Sobrang slamat po sa mga taong ito M

Mr and Mrs. Sarah Geronimo-Guidecelli and Matteo Guidecelli


Sir John Arcilla 

Ma'am Kim Molina and her boyfriend Jerald Napoles

Biruin nyo mga ka Milo sila mismo ang nakausap ko 😭 isa to sa mga nagpalakas sakin ng loob, hindi ko binilang kung ano ang bingay nilang tulong... ang mahalaga dito ung effort at pag-aalala na binigay nila sa katulad nating simpleng tao 😭

Ang mga taong to ay mga naka trabaho namin at talaga naman dog lover kaya kami nagkaroon ng magandang komunikasyon 🙂

eto yung mga taong sikat na pero ang mga paa ay nanatiling nasa lupa, sobrang thank u talaga pagpalain po kayo ng Panginoon 🙂 

sa lahat ng mga supporters, kaibigan natin na tumulong nagdasal sakin, marming-maraming salamat po 

Mga ka Milo pls pa share nitong post ko, gusto ko mabasa nila mismo to kung gaano tayo ka solid dito 🙂

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post