Agad na nagviral sa social media ang video kung saan makikitang sinubukan ng "Ngiti" singer na si Ronnie Liang na magiging isang jeepney driver sa loob ng isang araw.

Aniya hindi raw biro ang maging isang Jeepney Driver.

‘Di ba, driver ka na, accountant ka, tapos naku, exposed ka, naaamoy mo, nalalanghap mo yung hangin sa labas yung hangin, mga usok ng mga kasama mong namamasada din yung mga sasakyan nila. Hindi po biro ‘yung pagiging driver. ‘Tapos yung iba pa nag-wa 1-2-3 pa,” 

Hinangaan rin nito ang mga Jeepney Driver na kumakayod para kanilang pamilya.

"Mga ka-tropa, ganyan talaga. Mahirap maghanap-buhay. Kaya ‘yung mga kababayan natin na ang trabaho po ay magpasada, nagtatrabaho ng marangal at naghahanap-buhay para sa pamilya saludo ako sa inyo."

“Sa inyong ng mga sakripisyo na ginagawa para sa ikabubuhay ng pamilya, maraming maraming salamat sa iyong kadakilaan, sa pagtataguyod po ng inyong pamilya,” 

Narito ang buong video:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post