KorinaSanchez, Ibinahagi ang Sekreto Para Mabuhay Hanggang 120 Taon
$ads={1}
TV anchor Korina Sanchez-Roxas may bagong goal: umabot hanggang 120 years old! Ibinahagi niya ang sikreto sa kanilang biruan sa on-air segment ng Agenda nitong Lunes, Agosto 4, kasama ang co-anchor na si Willard Cheng.
Sa isang clip na in-upload ng Bilyonaryo News Channel sa Facebook, mapapanood ang light-hearted na usapan ng dalawa tungkol sa longevity o kung paano sila magtatagal sa buhay — lalo na’t may mga anak pa silang maliliit.
$ads={2}
Tanong ni Korina: “What are you doing to live long? Maliit pa mga anak natin ha.”
Sagot ni Willard: “Nag-eeexercise ako, binubuhat ko sila araw-araw.”
Balik-tanong ni Willard: “What are you doing to live up to 120 years old?”
Confident na sagot ni Korina: “Maraming-maraming bagay. Name it, I’m doing it.”
Bukod sa on-air banter, makikita rin sa Instagram ni Korina ang ebidensiya ng kanyang active lifestyle — mula jogging, mountain hiking, gym sessions kasama ang asawang si Mar Roxas, hanggang sa masustansyang pagkain at travel adventures.
Hindi lang pisikal ang kaniyang approach — suportado rin niya ang iba’t ibang advocacy work, na nagpapasaya sa kanya at nagbibigay ng sense of purpose.
Kaya kung gusto mong humaba ang buhay mo, gaya ni Korina, stay active, eat healthy, at laging on the move! Baka nga naman maabot mo rin ang 120 years old na goal niya!