Coco Martin, Andrea Brillantes, at Cast ng ‘Batang Quiapo’ Buwis-Buhay sa Taping sa Ulan

 

Coco Martin at Andrea Brillantes buwis-buhay sa ulan habang nasa bangka sa Batang Quiapo taping

Coco Martin at Cast ng ‘Batang Quiapo’, Di Umatras sa Buwis-Buhay na Eksena sa Ulan

$ads={1}

Nakakaloka talaga ang mga ginagawa ni Coco Martin para sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’! Kitang-kita ang kanyang dedikasyon sa trabaho matapos malantad ang buwis-buhay na eksena nilang kinunan sa gitna ng malakas na ulan.

Sa isang behind-the-scenes video na inilabas ng CCM Film Productions nitong Agosto 3, makikita ang cast na sina Coco Martin, Andrea Brillantes, Rosanna Roces, at Michael de Mesa habang nakasakay sa maliliit na bangka para sa isang eksena sa Malabon.

$ads={2}

Ang twist? Biglang bumuhos ang malakas na ulan habang nasa kalagitnaan ng shoot at nasa gitna ng tubig ang buong cast!

“Habang kinukunan namin ‘yun biglang umulan ng sobrang lakas. Syempre kami bilang mga artista, bigla kaming na-trap sa isang sitwasyon pero buti na lang handa ‘yung buong team pati ang security kaya walang nag-panic,” kuwento ni Coco Martin.

Sa video, makikitang kahit madilim na at basang-basa ang lahat, tuloy pa rin sa pag-arte ang buong cast. Walang reklamo — puro commitment!

“Siyempre may briefing din bago ang eksena at sinisigurado namin na ligtas ang lahat,” dagdag ni Coco.

Hindi rin nagpahuli sa papuri ang mga netizens. Marami ang humanga sa professionalism ng cast at sa kalidad ng eksena kahit pa may unexpected na ulan.

Pinatunayan talaga ng buong team ng Batang Quiapo na kahit ulan, dilim, o panganib — “the show must go on!”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form