Hindi napigilan ni Vice Ganda na maging emosyonal sa kanyang panayam kay Karmina Constantino-Torres sa KC After Hours, kung saan binalikan niya ang isa sa pinakamabigat na yugto ng kanyang buhay – ang pagkawala ng kanyang ama.
$ads={1}
“Bakit hindi ka nagtanim ng galit?”
Tinanong ni Karmina si Vice:
“This is what I always hear about you in ABS when I walk the halls, ang parati nilang sinasabi is, 'Mabait siya.' Bakit hindi mo nakuhang magalit sa mundo given all that you went through?"
Sa sagot ni Vice, ibinahagi niya kung paano siya pinalaki ng kanyang Mama Rosario at kung paanong naging pundasyon ng kanilang pamilya ang pananampalataya at kabutihan.
$ads={2}
“Hindi kasi ininstill sakin ng nanay ko ang hate. Ayoko ang konsepto ng hate kasi yung nanay ko eh relihiyosa. Lumaki akong nasa kapilya tapos nagdadasal nanay ko, nagro-rosaryo, hanggang ngayon eh pag nagsisimba, naka-belo, yung ganun. Ang dami naming pinagdaanan na hindi maganda, yung hindi nakakatuwa, yung nakakabwisit. Pwede kaming magdamdam, magalit, magtampo, mainis, pero yung muhi, yung hate, hindi siya welcome sa mga puso namin.”Pinatawad ang naging dahilan sa pagkawala sa kanyang ama
Ibinahagi rin ni Vice ang tungkol sa pagkawala ng kanyang ama at kung paano niya napili pa rin ang magpatawad.
“Sino pa ba ihe-hate ko? Ano pa bang pwede nilang gawin sakin para ma-hate ko sila eh yung pumatay nga sa tatay ko, sa harapan namin, pinatawad ko. Tinanggalan niya ako ng tatay, tinanggalan niya ng padre de pamilya ang bahay namin, ikinabagsak ng nanay ko yun, na-depress ang nanay ko at nagkahiwa-hiwalay kaming pamilya, pero nakuha ko silang patawarin.”
Nang tanungin kung paano niya nagawa iyon, simple ngunit puno ng lalim ang kanyang sagot:
“Kung iisipin ko lagi yung galit ko sa inyo, pano ako magtatrabaho? Pano ko gagawin yung mga plano ko? I have plans. I have goals.”
Hustisya at pagpapatuloy sa buhay
Inalala rin ni Vice ang pagsusumikap ng kanyang ina na hanapin ang hustisya para sa kanyang ama. Ngunit kalaunan, pinili nilang itigil ito upang makapagpatuloy sa buhay.
“Ako yung bitbit ng nanay ko tuwing labas pasok siya sa city hall para sa pagpoproseso lang at sa kaso ng tatay ko. Hindi ko nakita yung hustisya. Kaya sabi ko sa nanay ko, 'Nay, ihinto na natin 'to. Hindi na natin makukuha yung hustisya at hindi natin sila mapapakulong kasi wala tayong pera. Kung habang buhay tayo maghahabol, mamamatay tayo kasi hindi na tayo magtatrabaho.'”
Ang kwento ni Vice ay patunay ng lakas ng loob, kapatawaran, at pananampalataya na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa kanyang milyon-milyong tagahanga.