Beauty Gonzales tapat na inaming bet niyang makatrabaho si Alden Richards

 

Photos: aldenrichards02(Instagram) / Vinia Vivar(Youtube)

Tapat na inamin ng Kapuso actress na si Beauty Gonzales sa isang panayam na bet niyang makatrabaho  ang "Five Break Up and a Romance" star na si Alden Richards. 

$ads={1}

Nangyari ang rebelasyong ito ni Beauty na ito matapos ang media presentation ng mga cast ng “Stolen Life,” na kung saan isa si Beauty sa mga co-stars sa naturang proyekto.

“Well, I really wanna work with a lot of…ang hirap i-explain, e. Marami. Alden Richards, I wanna work with him, I haven’t worked with him,” sabi ni Beauty 

“Feeling ko kaya ko siyang anuhin,” dagdag pa ni Beauty sabay tawa ng malakas 

$ads={2}

Nang kulitin pa siya ng mga reporter kung bakit si Alden ang gusto niyang anuhin ay sinabi ni Beauty na: “Because I wanna get the beast out of him,” sabay tawa ng malakas ng actress

“Kaya ko. Kaya ko yun!” dagdag pa niya 

At nang tanungin naman siya kung anong role nilang dalawa ay sagot ni Beauty: " “I want him to be bad boy. Yung parang ano, I don’t know, different thing, I don’t know,” 

Kinulit pa si Beauty ng mga reporter, tinanong pa ang actress kung kaya ba raw niyang i-Sid Lucero ang actor: "Yah hindi lang ... isisisid ko sya" sabaw tawa ng malakas ng actress


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form