Source ni Ogie Diaz sinasabing mamamaalam na raw sa ere ang Lunch Out Loud

Ibinunyag ng source ni Ogie Diaz na mamamaalam na umano sa ere ang noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud.

Ogie Diaz at Lunch Out Loud Host 

Sa kanyang 'Showbiz Update Vlog', ibinunyag ay napag-usapan nila ni Ogie ang tungkol sa umanoy last taping day ng LOL.

"Hindi naman natin 'to kinukumpirma dito. May nakapagsabi lamang sa atin," sey ni Ogie 

Sinabi raw ng source ni Ogie na ngayong March 29 nalang daw ang last taping day nalang ang LOL at sa April 29 na itong huling e-ere sa telebisyon.

"Ang balita nga natin ay ito, magpapaalam na sa ere ang Lunch Out Loud. Ang LOL ay magba-baboo na sa ere. Basta may nagchika lamang sa atin na ang last day of taping nila ay March 29 so ang last airing ng kanilang tinake ay magtatapos sa April 29. Kung tama ang ibinalita sa atin," sey ni Ogie

"Meron daw nakausap itong TV host, o host ng LOL, nakausap niya si Karla Estrada tapos si Karla Estrada, ibinalita sa kanya na, 'Uy may show na ako sa TV5.' Tas sabi ng host ng LOL, 'Ay ano yun?' 'Face to Face with Alex Calleja.' 'Anong time slot niyo?' 'Ano raw, 11-12, weekdays,'" kwento pa ni Ogie nang tanungin siya ni Mama Loi kung bakit lumabas ang naturang balita

Sey pa ni Ogie, sa April 15 raw sana magtatapos ang naturang show ngunit naki-usap raw ang producer nito na kung pwede raw na i-extend nalang sa April 29.

 "Nung una ay April 15 tapos parang nakiusap yung producer ng LOL na pwedeng i-extend kaya naging April 29."sey ni Ogie 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form