Sana All! Video ng proposal ni Seth Fedelin kay Francine Diaz viral na

Mabilis na nagviral sa social media ang video ng proposal ni Seth Fedelin kay Francine Diaz.

Sana All! Video ng proposal ni Seth Fedelin kay Francine Diaz viral na

Si Seth Fedelin na may tunay na pangalan na Mark Seth Yancy Fronda Fedelin actor, model, singer at dancer dito sa Pilipinas. Si Seth ay unang nakilala nang siya ay maging housemate sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso noong 2018. 

Pagkatapos nun, ay nagkaroon na siya ng teleserye, naging bahagi siya sa hit kapamilya series na Kadenang Ginto noong 2019 at Huwag Kang Mangamba noong 2021. At kasalukuyan din siyang bahagi sa trending series na "Dirty Linen" na kung saan kasama rin niya si Francine Diaz.

Sa isang video na kinakiligan ngayon ay itinodo ni Seth ang kanyang proposal kay Francine. Ang naturang proposal ay para maging "prom date" niya ang actress.

Kita sa video ang ginawang effort ni Seth para mapa-"oo" niya si Francine. Ayon pa kay Seth siya raw mismo ang nagplano ng lahat at maging ang namili ng mga gagamitin sa kanyang surprise. Bukod sa bulaklak at mga kandila, mayroon ding pa-fireworks display si Seth. 

Pumayag naman si Francine na maging ka-date si Seth at nagpasalamat ito sa kanyang pa-surprise. 

Panoorin:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form