Sa wakas! Ogie Diaz isa-isang sinagot ang pahayag ni Liza Soberano

Nagsalita narin sa wakas si Ogie Diaz kaugnay sa mga naging pahayag ni Liza Soberano kamakailan lang sa "Fast Talk" ni Boy Abunda.

Sa wakas! Ogie Diaz isa-isang sinagot ang pahayag ni Liza Soberano 

Si Ogie Diaz na may tunay na pangalan na Roger Diaz Pandaan ay isang kilalang Filipino comedian, actor, entertainment reporter, at talent manager. Kilala bilang "Pekto" sa kanyang character sa long-running former television show na "Palibhasa Lalake". Sa ngayon ay isa si Ogie sa mga vlogger na inaabangan dahil sa kanyang showbiz content. 

Samantala sa kanyang latest vlog ay isa-isang sinagot ni Ogie ang mga naging pahayag ni Liza Soberano kamakailan lang.

Tungkol sa commission 

Nilapag na ni Ogie ang totoong hatian ng commission sa Talent Fee ni Liza.

Ogie Diaz - 20%
Star Magic - 10%
Tita Joni - 7% 
Liza - 63%
Sinabi rin ni Ogie na may sariling road manager su Liza na binabayan raw mismo ni Ogie sa sariling niyang pera.

Sinagot rin ni Ogie ang tungkol sa umanoy hindi siya pumupunta sa set.

"Di ko rin alam… Anak, saan ka galing na hindi ako nagpupunta sa set?"sabi Ogie

Bumibisita sa taping si Ogie Diaz, ang ilan sa nabanggit niya ay ang Forevermore na ang taping pa ay sa Benguet at ang huling teleserye ni Liza sa ABS-CBN na Make It With You.

Ayon pa kay Ogie wala din raw siyang sinabi na hindi siya tumatanggap ng commission.

"Wala ho akong sinasabi na hindi na ako tumatanggap ng commission. Ang sinasabi ko po ay hindi na tumatanggap si Liza ng mga project dahil nga papunta na siya ng ibang direksyon, na naghihintay na lang siya na matapos ang kontrata."sey ni Ogie

Nagpadala rin si Ogie ng mensahe kay Liza nung akala niya ay nahack ang instagram account nito.

“Nak, me tumutulong na ba sa yo to get back your ig?” text ni Liza kay Ogie

Ngunit hindi na nakatanggap si Ogie ng reply mula kay Liza. Base sa ipinakitang convo ni Ogie at huling text ni Lizaay noong binati niya ng Happy Birthday ang dati niyang manager.

Narito ang buong video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

6 Comments

Dont Forget to Leave a comment

  1. Wag nio na pansinin Yan .. kakaumay na yang Liza or hope what ever

    ReplyDelete
  2. Salute ako sau ogie KC nanjan pa rin Yung Isang tao na mapagkumbaba kahit na nega na Yung mga sinasabi sau at sana Marami pang talent manager n kagaya mo na handa pa ring tumulong kahit ndi muna talent Ang Isang artista..Isa ka talagang magaling na talent manager...mabuhay ka hangang gusto mo...God bless at Ang team mo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Now she realized that she already has wings to be able to fly on her own. Pls recall how and where you got those wings. And be grateful about it .Not really too much to ask.

      Delete
  3. Naku liza pinabagsak ka lang ng bago mong nilipatan ok kn sa abs cbn lumipat ka pa, sumisikat ka sa mga paniniwala mo na di totoo, mataas kn ikw pa nagpababa ng sarili mo. Keep silent nlng sana kc ang nangyayari ay nasisira ka lang.

    ReplyDelete
  4. Palaos n kc kaya nang iingay ... Masydo cy papansin ...

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form