Ogie Diaz nagreact matapos muling naungkat ang isyu tungkol kay Yassi Pressman at Coco Martin

Nagbigay ng kanyang reaksyon ang komedyanteng si Ogie Diaz matapos muling pinag-uusapan ang isyu tungkol kina Yassi Pressman at Coco Martin.

Ogie Diaz nagreact matapos muling naungkat ang isyu tungkol kay Yassi Pressman at Coco Martin 

Sina Coco Martin at Yassi Pressman ay nagkasama sa hit series na "Fpj's Ang Probinsyano" na kung saan si Yassi ang gumanap bilang si Alyana Arevalo asawa ni Cardo Dalisay na ginampanan ni Coco Martin.

Nang dahil sa pagtatangol ni Yassi sa kapatid niyang si Issa Pressman na matatandaan naging usap-usapan kamakailan lang matapos i-reveal ni James Reid ang kanilang relasyon ay tila nag-iba ang ihip ng hangin ng ilang netizens at si Yassi ang binanatan.

Ayon kay Ogie, binalikan raw ng mga netizens ang umanoy naging isyu noon nina Yassi at Coco Martin na umanoy inagaw niya si Coco kay Julia Montes.

"Biglang binuweltahan naman ng mga fans itong si Yassi. Noon daw na si Yassi ay nasa Probinsyano, ito I'm sure si Yassi nababasa ito, na parang inagaw nitong si Yassi si Coco Martin kay Julia Montes. Kaya daw for a time, e parang nabuwisit itong si Julia kay Yassi," sabi ni Ogie Diaz 

Ngunit sa kabila ni isyung ito ay sinabi ni Ogie na wala pa naman umanong napapatunauan na totoo ang tsismis.

"Ito kasing si Yassi ay naging leading lady ni Coco sa Ang Probinsiyano. Tapos doon nga sa set, may kumalat na naging si Yassi at si Coco. Pero wala namang napatunayan,"dagdag pa niya  

Pwede mong panoorin ang kabuuang video dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form