Cristy Fermin nagreact na sa pagbili nina Vice at Ion ng asong nagkakahalaga ng 380k

Nagbigay na ng kanyang reaksyon si Cristy Fermin kaugnay sa pagbili ng mag-asawang sina Ion Perez at Vice Ganda nang aso na nagkakahalaga ng 380k pesos.

Cristy Fermin nagreact na sa pagbili nina Vice at Ion ng asong nagkakahalaga ng 380k

Matatandaan na binatikos si Vice ng mga netizens dahil sa pagbili niya sa naturang aso ngunit agad naman niyang sinagot ang mga basher.

 "Maganda yung mag-adopt talaga ng mga dogs pero may masama ba na bumili kami ng dog? Wala. Kaya pwede kami mag-decide? It’s our life, di ba? It’s our life, it’s our joy. Can’t you just be happy for our joy and for our lives?” sabi ni Vice 

Sa isang episode ng show ni Cristy Fermin na "Cristy Ferminute" ay ipinagtanggol niya si Vice laban sa mga basher. Aniya isa raw siyang dog lover kaya nauunawaan niya ang pagbili ni Vice sa naturang aso. Kaya di raw dapat binabash ang komedyante at asawa niyang si Ion.

"Ako kasi, nauunawaan ko ang pagbili ng fur baby nina Vice Ganda at Ion Perez. Siguro nga ay parang magiging biased ako kasi dog lover ako e, ang buong pamilya namin. Ang aso ko po dito sa bahay ay 15, sa probinsya ay mas marami po at talagang mauunawaan po natin ang kaligayahan na ibinibigay ng mga alaga sa ating buhay." Sey ni Fermin 

"Kaya hindi dapat bina-bash si Vice Ganda at saka si Ion Perez kung bumili man po sila ng Pomeranian na nagkakahalaga ng P380,000." dagdag pa niya 

Sinabi rin ni Fermin na hayaan na raw ang dalawa sa pagbili ng ganun kamahal na aso dahil sarili naman daw nilang pera ang kanilang pinambili.

"Oh e ano ngayon kung kulang P400,000 ang kanilang pagkabili. Mura pa nga po 'yan kumpara sa iba [breed]. At saka pera po nila 'yan at kaligayahan nila 'yan. Hayaan na natin, ibigay na natin 'yan sa kanila.” sey ni Fermin 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form