Liza Soberano nagreact na sa pagganap ni Jane de Leon bilang Darna

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon ang actress na si Liza Soberano kaugnay sa kung paano ginampanan ng actress na si Jane de Leon ang kanyang karakter bilang "Darna".

Liza Soberano nagreact na sa pagganap ni Jane de Leon bilang Darna


Si Liza Soberano na may tunay na pangalan na Hope Elizabeth Soberano ay isang Filipino American actress, model at singer. Siya ay sumikat sa romantic comedy television series na Forevermore noong 2014–2015 na kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil. Mula na noong ay isa na ang dalawa sa pinakasikat na love team sa Philippine Television.    

Sa latest vlog ni Bea Alonzo, ay naging guest niya si Liza Soberano. Sa naturang vlog ay nagbigay ng kanyang reaksyon si Liza sa pagganap ni Jane de Leon bilang "Darna".

Matatandaang si Liza sana ang susunod na Darna subalit sa kasamaang palad, nagkaroon ito ng hand injury dahilan para magtungo siya ng Amerika para paoperahan ito. 

"I don't wanna say my athletic capabilities are the best. So hindi ko talaga alam. I think, Jane did a good job. I saw some of the episodes. Pinanood ko because I wanted to see how it would actually end up,"sabi ni Liza

Kwento pa ni Liza, naging kaibigan rin daw niya si Jane de Leon na pumalit sa kanya.

 "Also, Jane became a good friend of mine also. Not super close but I talked to her when it was passed on to her to make sure that I'm supportive of it" sabi ni Liza 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form