Kapatid ni Rendon sa kung bakit galit na galit si Rendon kay Coco: "Siguro pinag-acting, hindi nagustuhan, hindi nakuha."

 Usap-usapan ngayon sa social media ang mainit na hirit ng kapatid ni Rendon Labador na si Jormiel Labador laban kay Rendon matapos nitong batikusin si Coco Martin.

Kapatid ni Rendon sa kung bakit galit ito kay Coco: "Siguro pinag-acting, hindi nagustuhan, hindi nakuha."

Matatandaan kasi na naging usap-usapan sa social media ang mga banat ni Rendon laban kay Coco dahil sa teleserye nitong "Fpj's Batang Quiapo" na umanoy malaki ang epeketo sa mga maliliit na negosyante sa Quaipo kung saan naganap ang shooting.

Ibinunyag rin kamakailan ni Rendon na umanoy dalawang beses siyang inalok ng "Fpj's Batang Quiapo" ngunit hindi niya raw ito pinapansin.

Sa isang video, ay nagreact ang kanyang kapatid na si Jormiel. Aniya baka may lihim raw ito na galit kay Coco kaya raw ito galit.

” Tol, kinukuha ka naman pala anong iniiyak mo? Kasi si utol kasi parang may lihim na galit kay Coco Martin eh, parang personal eh no,” sey ni Jormiel 

"Siguro pinag-acting, hindi nagustuhan, hindi nakuha. Yun ang feeling ko eh, hindi marunong um-acting eh,”dagdag pa niya 

Nagbigay rin ng payo si Jormiel kay Rendon na acting workshop sa halip na mag-complain sa social media. Ibinunyag rin ni Jormiel kung siya ay aalokin, gusto raw niyang maging bahagi ng "Fpj's Batang Quiapo".

“Kung gusto mo talagang mag-artista tol, mag-workshop ka. Baka hindi nag-work shop, baka puro gym.. Tol wag puro gym, mag-workshop ka, gusto mo palang mag-artista [pero] ayaw mong mag-workshop,” sey ni Jormiel 

“Parang ‘yung gusto mong lumaki ‘yung katawan mo pero ayaw mong mag-gym, mag-workshop ka, papakilala kita kay Direk Bobot. Umiiyak ka sa Facebook tapos hindi ka naman pala marunong um-acting, acting-an ang laban diyan,” dagdag pa niya 


📣 Rendon Labador at Haring Bangis Kinukuha pala sa Batang Quiapo! 🔥

Posted by Jormiel Labador Fitness on Friday, 17 March 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

2 Comments

Dont Forget to Leave a comment

  1. Naku kagigil yang Rendon na yan putak ng putak kaya pala di natuloy ang pagpasok nya sa Batang Quiapo.

    ReplyDelete
  2. Maybe he fancy Coco and ignore his advances
    that’s why he was very upset.

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form