Kahit 10 years nang magkarelasyon! Xian Lim nililigawan parin daw si Kim Chiu

Ibinunyag ng actor na si Xian Lim na nililigawan parin niya ang Kapamilya Star at Its Showtime host na si Kim Chiu kahit 10 years na silang magkarelasyon.

Kahit 10 years nang magkarelasyon! Xian Lim nililigawan parin daw si Kim Chiu 

Si Alexander Xian Lim ay isang actor, model, singer, host, blogger, filmmaker at professional basketball player. Kilala si Xian sa kanyang mga roles sa My Binondo Girl (2011), The Reunion (2012), Ina, Kapatid, Anak (2012–13), Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? (2013), Bride for Rent (2014), The Story of Us (2016) at Everything About Her (2016). 

Si Xian ang boyfriend ng kapamilya star at Its Showtime host na si Kim Chiu. 

Sa panayam nito kay Boy Abunda sa show na Fast Talk, ibinunyag ni Xian na kahit sampung taon na silang magkarelasyon ni Kim Chiu ay nililigawan parin daw niya ito. Ayon kay Xian sa tingin niya raw ay kapag nakampante na ay danger zone na iyon sa isang relasyon. 

Sinabi rin ni Xian na ang sekreto sa matagumpay na relasyon ay hayaan ang isat-isa na magrow.

“I think the secret behind it, is letting each other grow individually and growing together as a couple. So, we respect that about each other.”sabi ni Xian 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form