Netizens calls out Vice Ganda sa umanoy hindi magandang pagtrato kay Karylle; Kuya Kim nagreact?

 

Photo Credits: ABSCBN

Tinawag ng mga netizens ang atensyon ni Vice Ganda dahil sa umanoy hindi magandang pagtrato ng komedyante kay Karylle sa Its Showtime.

$ads={1} 

Kasalukuyan ngayong trending sa twitter si Karylle kasabay ng pagviral din ng clip sa umanoy pagbara ni Vice kay Karylle sa naturang show.

Sa nasabing clip ay nagsumbong si Karylle sa naging paghahanda noon ni Vhong Navarro sa song number sana nito ngunit hindi natuloy dahil ibinigay raw ni Vice ang kantang pinraktis ni Vhong sa iba. 

$ads={2} 

Sabi ni Karylle: "Vice, may request si Vhongskie. Kasi last time nagre-rehearse siya sa umaga, tapos binigay mo sa iba yung kanta niya." 

Tanong ni Vice, "Anong problema natin, Karylle?" 

Sagot ni Karylle, "Hindi, natatawa lang kami kasi isang buwan, pinraktis daw niya." 

Sabi naman ni Karylle "Sa bawat sulok daw ng bahay niya pinraktis niya." 

Saad ni Vice sa kanya, "O, okay na yan, Karylle." 

Tila hindi ito nagustuhan ng ilang netizens at ayon sa ilang netizens ay hindi raw deserve ni Karylle ang ganitong pagtrato maging ang maitsapuwera sa programa lalo na't isa raw ito sa mga orihinal at resident host ng It's Showtime.

Ilang netizens din ang kinuwestyon ang hindi masyadong pagbigay ng exposure kay Karylle sa naturang show matapos madagdagan ng bagong host gaya na lamang nina Kim Chiu, Jackie Gonzaga, Ion, MC, Lassy, at Cianne Dominguez. 

Samantala sa isang tweet ay nagkomento si Kuya Kim na dating host ng Its Showtime tungkol sa kabaitan ni Karylle ngunit hindi pa malinaw kung ito ba ang kanyang reaksyon sa pagtrending  ni Karylle at Vice.

Sabi ni Kuya Kim: "@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle." 

Photo Credits: @kuyakim_atienza on Twitter via PEP

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form