Coco Martin personal na humingi ng tawad kay Robin Padilla dahil sa controversial na eksena sa Batang Quiapo

Personal na humingi ng tawad si Coco Martin kay Senator Robin Padilla dahil sa controversial na eksena nito sa Batang Quiapo.

 

Larawan mula sa Abante

Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang kilalang actor, director, at film producer. Siya ay kilala sa mga pinagbibidahan niyang teleserye gaya ng Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Juan dela Cruz, at ang FPJ's Ang Probinsyano. Si Coco Martin sa ngayon ang kasalukuyang bida at isa rin sa Direktor ng Batang Quiapo.  

Sa isang video, ay makikita na personal na pumunta si Coco sa tanggapan ni Robin Padilla para humingi ng tawad dahil sa eksena sa Batang Quiapo na kung saan ilang mga Muslim raw ang na-offend.

Sa naturang eksena kasi ay hinabol si Coco ng mga Pulis matapos itong mang-snatch at pumunta ito sa Bahay ng isang Muslim at hindi ito isinumbong ng mga pulis.

"Ako po ay humaharap sa inyo ngayong araw na ito upang magbigay ng pahayag patungkol po sa isang episode ng teleseryeng Batang Quiapo na ipinalabas noong ika-14 ng Pebrero, araw po ng Martes – na masasabi po nating tumawag sa atensyon ng ating mga kababayan, partikular na po sa komunidad naming mga Muslim,”sabi ni Robin sa kanyang video na ipinost sa kanyang social media 

"Nauunawaan ko pong nasaktan ang ating mga kapatid sa paglalarawan na tila ba kinikunsinte ng mga Muslim ang pagnanakaw ng karakter ni Tanggol. Kaalinsabay po nito ang naging paggamit ng mga relihiyosong imahe, katulad po ng Golden Mosque, adhan (ito po ang tawag sa pagdasal), at mga kasuotang ginagamit po sa pagdadasal ng isang Muslim,”dagdag pa niya 

Sinabi rin ni Robin na sana ay patawan na ng mga Muslim si Coco dahil konti lang daw ang kaalaman nito tungkol sa mga Muslim.

"Mga mahal kong kapatid, ako na po ang naggagarantiya sa mabuting kalooban ni G. Coco Martin. At sigurado po akong wala siyang masamang intensyon kanino man. Inaamin po niya na kulang ang kanyang kaalaman sa Islam, kung kaya’t sa halip po na ating kutyain ang kanyang pagkukulang, ako na po ang nananawagan po sa inyo upang atin itong sama-samang bunuan."sabi ni Robin 

"Sampu po ng mga bumubuo ng Batang Quiapo, sila naman po ay nangangako na mas magiging maingat at sensitibo sa pagsasalarawan ng mga sektor lalo’t higit po kung nakasalalay dito ang imahe ng kultura, tradisyon, at maging relihiyon." dagdag pa ng actor 

Pagpapakumbaba sa ating kasamahang aktor-direktor Direk Coco Martin at aking panawagan po sa ating mga kapatid na Muslim

Posted by Robin Padilla on Thursday, 16 February 2023
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form