Video ng sweet moments nina Sofia Andres at Daniel Miranda sa gitna ng hiwalayan rumors viral na

 

Nagviral ngayon sa social media ang video kung saan spotted na magkasama sina Daniel Miranda at Sofia Andres sa gitna ng isyu na umanoy hiwalay na ang dalawa.

Ang nasabing video ay binahagi ni Sofia sa kanyang post sa TikTok.

Makikita sa video na magkayakap sina Sofia at Daniel sa couch habang may eksena naman ang kanilang baby na si Zoe na tumatakbo papunta kay Daniel na niyakap ito nang mahigpit.

Kaya naman marami sa kanilang fans ang natutuwa dahil hindi totoo ang mga bali-balita na lumabas sa social media. 

Matatandaan kasi na nito lamang disyembre marami sa kanilang fans ang sad matapos maispatan na hindi magkasama na nagcelebrate ng pasko sina Sofia at Daniel.


@sofialouiseandres

♬ Coastline - Hollow Coves

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form