Video kung saan ipinakita ni Ryza Cenon ang pagdisiplina sa kanyang anak viral na

 

Viral na ngayon sa social media ang video kung saan ipinakita ni Ryza Cenon ang pagdisiplina niya sa kanyang anak.

Si Ryza Cenon na may tunay na pangalan na Rhiza Ann Cenon Simbulan ay isang Filipino actress, dancer, model at painter. Siya ay isang Ultimate Female Survivor ng second season ng StarStruck sa GMA Network noong 2014.  

Si Ryza Cenon  ay kilala bilang "Primera Kontrabida ng Pilipinas" mula pa noong 2017. Magiging parte rin si Ryza sa inaabangan serye sa Kapamilya Network na FPJ's Batang Quiapo na pinagbibigahan ni Primetime King Coco Martin.

Sa isang video na ibinahagi ni Ryza sa kanyang instagram, ay ipinakita niya kung paano niya disiplinahin ang kanyang anak. 

Ayon kay Ryza pinapaharap daw niya sa dingding ang kanyang .

"Face the wall si Night. Haaayy grabe ang hirap!!! Lord help me.. Ang kasalanan nya hinampas nya ng malakas yung Dyson na electricfan, naghiwalay. Tapos hinagis yung defuser sa may carpet, basa. Everyday may nagliliparan na gamit.. huhuhuhu yung pasensya ko Lord… pakihabaan." kwento ni Ryza 

Ikinuwento rin ni Ryza na sa tuwing pinapaharap niya sa wall si Night ay pinapaliwanag niya ang mga mali nito.

"Every time nag faface the wall sya nag-uusap kami. Pinapaliwanag ko sa kanya kung ano ang mali nya. Kaya ko to ginagawa mga mommies kasi ito lang yung way ko para hindi sya mapagbuhatan ng kamay. Sa age nila kasi hindi pa yan makikinig agad - agad dahil nag eexplore sila." paliwanag ni Ryza

"At sa mga mommies naman na feeling nyo dahil nakikita nya sa bahay or napapanood nya sa tv,hindi po. Si Night hindi mahilig manood ng tv or humawak ng phone at dun nalang iikot yung mundo nya. Ang gusto nya maglaro sa labas, mag color ng mga coloring books, magbasa, maglaro ng mga laruan nya at makipagkwentuhan samin. Yun yung pinapractice ko sa kanya." dagdag pa niya 

May mensahe din si Ryza sa mga magulang: "Iba- iba tayo ng pamamaraan sa pagpapalaki ng mga anak natin pero iisa ang gusto natin para sa kanila na lumaki silang mabubuting tao."

Nag share ako ng experience para sa mga first time mom na katulad ko. Gusto kong malaman nila na hindi sila nag- iisa, na pwede mag disiplina ng anak ng hindi natin sila sinasaktan. Walang masama mag share kung makakatulong sa iba"dagdag pa niya 

Panoorin dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form