Ogie Diaz sinagot ang nambabatikos kay Ria Atayde matapos kunin itong Calendar Girl

 


Ipinagtanggol ni Ogie Diaz si Ria Atayde laban sa mga nambabatikos nito matapos itong kuning Calendar Girl sa isang Whiskey Brand.

Si Ria Atayde na may tunay na pangalan na Maria Sophia Campo Atayde ay isang kilalang actress dito sa Pilipinas. Siya ay anak ng beteranang actress na si Sylvia Sanchez at businessman na si Art Atayde. 

Nagsimula ang kanyang professional career sa drama series na Ningning at variety show na It's Showtime. Si Ria din ngayon ang 2023 Calendar Girl ng White Castle Whiskey.

Sa vlog ni Ogie Diaz, ay ipinagtanggol niya si Ria laban sa mga basher na nambabatikos nito matapos siyang kunin bilang Calendar Girl.

 "Nung araw kasi, sanay ang mga tao na sëxy girls talaga. Ito kasi parang hindi sila sanay na hindi na sëxy girl at chubby girl daw ang kinuha sa katauhan nga nitong si Ria Atayde. Pero sa totoo lang ah, jusko, pag nakita niyo si Ria Atayde. Una, kaganda-ganda ng mukha. Yung katawan, kaya mong tanggapin." Depensa ni Ogie sa mga basher ni Ria 

Sabi pa ni Ogie:"Walang pinipili sa mga gustong uminom. Ikaw ba, pag iinom ka ng liquor, 'Ay wag. Hindi ka sëxy, wag kang uminom ng alak.'" 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form