Gigi de Lana bumwelta sa basher nang sabihan siyang "Pumang*t" dahil sa kanyang short hair

 

Larawan mula sa Instagram ni gigidelanaofficial

Di mapigilang bweltahan ni Gigi de Lana ang kanyang basher matapos siyang pagsabihan na "pumang*t" dahil sa kanyang short hair.

Si Gigi de Lana na may tunay na pangalan na Mary Gidget Dela Llana ay isang kilalang Filipino actress, singer, dancer, at model. Si Unang sumikat si Gigi nang maging finalist sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime.” 

Naging instant star naman siya nang mag-viral ang mga online session ng kanyang grupong The Gigi Vibes noong kasagsagan ng pandemya. 

Sa isang video na pinost niya sa kanyang social media account, ibinahagi niya ang sinabi ng basher sa kanya tungkol sa kanyang short hair.

"Guys, alam niyo super valid ‘yung mga comments niyo sa akin: ‘Pumang*t ka,’ Mas bagay sa’yo ‘yung long hair mo,’ ‘Bakit ka nagpagupit?’ ‘Pa-hair extensions ka na lang,” sabi ni Gigi 

Pasimple din niyang binweltahan ang kanyang basher: "Guys, kahit magpakalbo ako, wala tayong magagawa. Kayo din naman nagpapagupit. Kung trim-trim lang, nagpagupit pa rin kayo. Okay lang yan." 

Pinagtanggol naman si Gigi ng ilan sa kanyang mga fans. Sabi ng ilan sa kanyang fans.

"You look gorgeous Ms. Gigi. Deadma sa mga mapanglait n bashers!”

“Still look pretty in any hairstyle. Don’t mind the others!”

“You are beautiful, Period. You look good w/ short,long or no hair! That’s okay!” 

Panoorin dito ang video:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-philtabloid.

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement