Ogie Diaz emosyonal ng makitang bumuti na ang lagay ni Kris Aquino

 

Larawan mula sa youtube: Ogie Diaz Showbiz Update/ Instagram:krisaquino


Di mapigilang maging emosyonal ni Ogie Diaz ng makita niyang bumuti na ang kalagayan ngayon ni Kris Aquino.

$ads={1}

Si Kris Aquino na may tunay na pangalan na Kristina Bernadette Cojuangco Aquino ay isang television host, actress, producer, socialite at businesswoman. Kilala rin si Kris sa tawag na Queen of All Media.  

Si Kris ay naging in-active sa showbiz ilang taon na ang nakalipas dahil sa kanyang autoimmune illnesses. Siya ay nadiagnose ng apat na autoimmune conditions at kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa ibang bansa. 

Read Related: Kris Aquino naispatang namasyal kasama ang kanyang mga anak sa Disneyland 

 Sa vlog ni Ogie Diaz ngayong araw Jan 28, ay nagbigay siya ng reaksyon sa bagong post ni Kris Aquino sa Social Media.

$ads={2}

Ibinahagi kasi ni Kris sa kanyang social media account na medyo bumuti na ang  kanyang kalusugan ngayon.

"Sa opisina ko pinanood, umiyak ako 'nung sinabi ni Kris na wala sa anumang bahagi ng kanyang organs ang tinamaan ng cancer o tumor,"sabi ni Ogie 

Ayon pa kay Ogie, bilib raw siya sa ipinakitang katapangan ni Kris.

"Kris Aquino, ang tapang-tapang mo naman! Nakakaloka ka. Hindi ko kaya 'yung tapang mo. Talagang wala siyang pakialam i-post niya yung kanyang ano deglamorized siya na talagang kahit lumubog na 'yung kanyang panga, tapos marami pa siyang parang galos, bilang allergic reaction sa siguro sa iniinom niyang gamot. Pero matapang niya itong hinarap at tinanggap at nilalabanan. All for the love of her sons," sabi ni Kris 

Read Related: Kris Aquino nagbigay ng panibagong update sa kanyang kalusugan

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form