Mccoy de Leon matapang na kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse Joson

 

Kinumpirma na ng actor na si Mccoy de Leon na hiwalay na sila ng kanyang partner na si Elisse Joson.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Mccoy na wala umanong ibang involve sa hiwalayan nila ni Elisse.

"Wala po involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala kayo."sabi McCoy 

"Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko."dagdag pa niya

Matatandaan na kamakailan lang ay usap-usapan ang post ni McCoy na kung saan sinasabi niyang miss na miss na niya ang kanyang anak.

“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na….anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra….*hug na mahigpit*,” sabi McCoy  

Matagal na kayang hiwalay si Mccoy at Elisse?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form