Kampo ni Alex Gonzaga nagsalita na kaugnay sa isyu ng actress

 



Binasag narin sa wakas ng kampo ni Alex Gonzaga ang kanilang katahimikan kaugnay sa viral video ng actress na nilagyan ng icing ng cake ang noo ng isang waiter.

Ang naturang pangyayari ay naganap sa 35th birthday celebration ni Alex.  

Sa pahayag ni Peter Ledesma ang longtime Publicist friend ng Gonzaga Family ay ibinahagi nito na ang waiter ay kaibigan ni Mommy Pinti at ng mga Soriano Family.

"This Allan one of the waiters of Florabel Resto and Catering Service in Valle Verde Pasig, is a friend of Mommy Pinty Gonzaga and Soriano Family. Kaya majority of the event of Gonzaga and Soriano Family ay sila ang kinukuha ni Mommy Pinty na mag-cater ng food and beverages." sabi ni Peter

At ang naturang waiter ay lagi umanong kabiruan ni Mommy Pinty at Alex.

"At itong si Allan ay laging kabiruan na Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila."sani ni Peter

Ibinunyag rin ni Peter na hindi totoong lasing si Alex.

"Hindi naman magagawa ni Alex, ang magbiro at magpunas ng cake, kung hi sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex. This is the side of Mommy Pinty na higit na nakakaalam ng istorya ng anak. And one more thing, ay hindi totoong lasing si Alex na tulad ng pinalalabas ng kanyang detractors and bashers."sey ni Peter

Source: MJ Marforie on Facebook

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form