Cristy Fermin may maanghang na mensahe kay Alex Gonzaga kaugnay sa kanyang viral video

 

May maanghang na banat ang beteranang columnist na si Cristy Fermin kaugnay sa viral video ni Alex Gonzaga na kung saan pinahiran niya ng icing ng cake ang isang waiter.

Ang naturang video ng actress ay kuha sa kanyang 35th birthday kamakailan lang.

Sa isang episode ng "Cristy Ferminute" ay napareact sa Fermin sa naturang video ni Alex.

“Hindi pupwede nating ginagawang laro ang buhay, Alex. Hindi lahat makikisakay sa laro mo. 35-anyos ka na pero wala ka pa ring pinagkatandaan. 'Yun lang 'yun. 35 years old ganyan, ganyan ang kilos. Hindi tama 'yan."sabi ni Fermin 

“Akala kasi niya, aliw na aliw sa kanya ang lahat ng nanonood ng vlog niya. Hindi, wala lang sigurong masabi. Nu'ng una kinatutuwaan siya pero ngayon, kinatutuwaan pa ba siya ngayon? Hindi na, malaki na ang pagkakaiba. 'Yun ang malinaw do'n." mainit na banat ni Fermin kay Alex

"Habang tumatagal ang panahon, habang tayo'y nagkakaedad, dapat iniipon natin, pinupulot natin ang mga leksyon ng buhay na ating nadadaanan"dagdag pa niya

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form