Carlo Aquino naglabas ng saloobin dahil matagal ng di nakita ang anak: 'Sana Mahiram Ko Naman'

 

Naglabas ng kanyang saloobin ang actor na si Carlo Aquino sa kanyang dating partner na si Trina Candaza tungkol sa kanilang anak na tila hindi raw nasusunid ang co-parenting agreement.

Inilahad ni Carlo sa isang panayam ang kanyang saloobin kaugnay sa umanoy tipid na tipid na oras na ibinigay ng kanyang dating partner para makasama nito ang kanyang anak 

"Nakakaapekto lang talaga sa akin is hindi ko nakikita ‘yung daughter ko since November."sabi ni Carlo

"Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her (Trina), ‘di ba? Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kailan ko pwedeng makasama, New Year ba, kasi usually ganun po."dagdag pa niya

“Wala pong sagot. Siyempre, importante ‘yung time with me, ‘yung time din with my parents, ‘yung lolo’t lola na senior na, sila mommy at daddy."sey pa ng actor

“Sana, ‘di ba, mahiram ko naman. Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa, ayoko nang isa-isahin…ng mga kailangan nila,” paglalahad pa ni Carlo

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form