Sue Ramirez ibinahagi ang larawan nila ni Jovit na profile niya noon sa FB: "Totoong idol ko"

 

Maraming nagulat sa pagpanaw ng Pilipinas Got Talent 1st winner na si Jovit Baldivino.

Maalala na pumanaw si Jovit alas 4:08 ng madaling araw nito lamang Dec. 9 sa Jesus of Nazareth Hospital in Batangas. 

Sa pagpanaw ni Jovit ay marami ang hindi makapaniwala. Isa na rito ang actress na si Sue Ramirez.

Sa kanyang post sa Instagram Stories, ibinahagi niya ang larawan nila ni Jovit noon.

Aniya, profile raw niya ito noon sa Facebook. 

"Profile picture ko ito sa facebook noon." sabi ni Sue

Ibinahagi rin niya na totoong idol niya ang singer kaya laking gulat raw niya ng pumanaw ang ito.

"Totoong idol ko talaga si Kuya Jovit. Nakakagulat ang balita. Rest in peace, Kuya idol @jovitbaldivino.”

Photo Credits: @sueannadoodles IG via KAMI

Si Jovit Baldivino ay kilalang singer dito sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nanalo sa reality talent competition show na Pilipinas Got Talent noong 2010.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form