Ogie Diaz nagbigay ng update sa pagbabalik ni Vhong sa Its Showtime

 

Nagbigay na ng update si Ogie Diaz sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa Its Showtime.

Matatandaan na kamakailan lang ay nakulong si Vhong dahil kasong r@pe na isinampa ni Deniece Cornejo sa kanya. 

Peru kamakailan lang ay pinayagan si Vhong na makapagpiyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Samantala sa latest vlog ni Ogie Diaz, ay ibinunyag nito na naka-usap niya si Vhong.

"Kasi nga nakausap ko si Vhong Navarro, “Hindi pa muna siya babalik sa ‘It’s Showtime.’ Pero babalik din siya,”ani Ogie 

Ayon pa kay Ogie, magfu-fucos raw muna si Vhong sa kanyang pamilya sa ngayon.

"Pero sa ngayon, ini-enjoy niya nga muna ‘yung kanyang mag-iina. Katulad ‘yung mga anak niya na medyo dinapuan din ng anxiety, ng depression mula nung ang kanilang ama ay nakulong kaya ngayon ay ini-enjoy nang bonggang-bongga ni Vhong ‘yung kanyang mag-iina lalo na ‘yung kanilang mga kids." Sabi ni Ogie 

"Siyempre gusto ni Vhong, itong Pasko at Bagong Taon ay magkakasama sila na walang ibang iniintindi na trabaho kundi ‘yung kanyang mga anak lang"dagdag pa ni Ogie

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form