Matet de Leon pinasaringan ba si Nora Aunor sa sagot niya sa netizen na tinawag siyang "Laos"?

 


Usap-usapan ngayon sa social media ang sagot ng actress na si Matet de Leon sa isang netizen na kung saan tinawag siyang Laos.

Sa kanyang Instagram stories, ay ibinahagi ni Matet ang screenshot ng mensahe ng isang netizen para sa kanya.

Sabi ng netizen:" Papansin ka lang e. Laos is real! Yeah! Ampon ka sabi mo kaya dapat tumanaw ka ng utang na loob sa nagpalaki sayu!" ayon sa netizen.

Ngunit maraming netizens ang napatanong sa naging sagot ni Matet. 

Sabi niya:"Hindi po nalalaos ang supporting actors. Mga bida lang po. Labyu," 

Images courtesy of Instagram: misismatet

Ang kinalakihan nga ba niyang ina si Nora nga ba ang pinasaringan sa kanyang sagot?

Matatandaan na kamakailan lang ay nagviral ang post ni Matet na kung saan tila dismayado siya kay Nora matapos kumpitisyahan ang kanyang negosyo.



Si Matet de Leon-Estrada ay isang Filipina actress na nagsimula sa kanyang carrer bilang child star. Siya ay ampon nina Christopher de Leon at Nora Aunor.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form