Jovit malapit ng ihatid sa huling hantungan; Partner di pa handa

 

Ibinahagi ng partner ni Jovit Baldivino na si Camille Anne Miguel na malapit ng ihatid sa huling hantungan si Jovit.

Base sa kanyang post, ngayong December 14 nakatakdang ilibing si Jovit sa Paradise View Memorial Garden peru bago ito ay magkaroon muna ng misa sa Holy Rosary Parish Church alas-11 ng umaga.

Photo Credits: Camille Anne Miguel Facebook 

Ngunit sa isa niyang post, ay ibinahagi ni Camille na hindi pa siya handa na maiwan ni Jovit ngunit kailangan niya raw itong tanggapin.

"Palapit ng palapit ang pag-uwi mo sa bago mong bahay mas lalo ako nahihirapan," sabi ni Camille

"Di pa ako handa pero wala ako magagawa kundi tanggapin para di ka mahirapan. Mahal na mahal po kita love ko," dagdag niya.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Camille na maraming bumagabag sa kanya sa kasalukuyan.

"Daming what if na pumapasok sa isip ko love ko miss na miss napo kita," sabi niya.

Photo Credits: Camille Anne Miguel Facebook 


Si Jovit Baldivino ay kilalang singer dito sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nanalo sa reality talent competition show na Pilipinas Got Talent noong 2010.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form