Andrea Brillantes gaganap umanong Dyesebel ngayong 2023 ani Ogie Diaz

 

Kinumpirma na ng komedyanteng si Ogie Diaz na ang actress na si Andrea Brillantes ang gaganap bilang Dyesebel.

Ani pa ni Ogie Diaz, mapapanood umano ngayong 2023 ang nasabing serye.

Ibinunyag rin ni Ogie na papalitan ng Dyesebel ang Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon dahil hindi na umano ito aabot ng isang taon.

Nabanggit din ni Ogie na isa pala umanong diver ang ina ni Andrea kaya naman tila noon pa man ay handang-handa na sa role na Dyesebel ang aktres. 

Ang Dyesebel ay dating pinagbibidahan ni Anne Curtis na kung saan isa rin sa mga cast noon si Ogie Diaz.

Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas kilala bilang Andrea Brillantes ay isang Pinay actress. Kilala si Andrea sa kanyang role sa Annaliza noong 2013 at Marga Bartolome sa Kadenang Ginto noong 2018. Kasama rin siya sa television series na E-Boy (2012) at Alyna (2010).

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post