Jodi Sta Maria nabudol ni spiderman; Coco Martin tawang-tawa


Ibinahagi ng actress na si Jodi Sta Maria kung paano siya nabudol ni Spider Man.

Sa kanyang post sa instagram, ikuwento niya kung naging pakulo ni Spider Man.

Sabi ni Jodi:

" Hollywood Blvd Photo Dump 

1. Niyaya ni Spider-Man habang kausap ko yung leading man at director ko.

2. He’s super friendly. Dun daw kami sa gitna. Sumama naman ako.

3. Obvious ba na kinilig ako sa susunod nyang gagawin

4. Hindi ako makapaniwala na yung super hero ng pinakaayaw kong insekto ay lumuhod at tila magpo-propose. Habang yung mama sa likod ko na ang pangalan ay Coco Martin ay tila aliw na aliw sa mga kaganapan kasi alam na nya ang susunod na mangyayari…." 

At ang nakakaaliw ay hiningan daw siya ng $20 at dahil wala siyang pera ay nagutang raw siya.

"Not in photo —- Ayun na nga…Nabudol ako ni Spider-Man. Siningil ako ng $20 dollars para sa pakulo na ito na akala ko ay libre. Hahahaha. Wala akong dalang pera kaya ending…nagkautang pa ako"sabi ni Jodi 

Samantala mapapanood sina Jodi at Coco sa pelikulang "Lab You With an Accent" ngayong December 25 na. 

Si Jodi Sta. Maria ay isang kilalang artista dito sa Pilipinas. Si Jodi ay kilala sa tanyag na most sought-after actresses sa entertainment industry.

Samantala kilala rin si Jodi sa kanyang role bilang Doc Jill sa 2022 drama series na The Broken Marriage Vow na kung saan pinasikat niya ang tagline na "Papunta Palang Tayo sa Exciting Part"  na nagviral sa online world.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form