Janine Gutierrez diretsahang sinagot ang netizens na nagtatanong kung siya ay buntis

 

Diretsahang sinagot ng "Dirty Linen" star na si Janine Gutierrez ang netizen na nagtatanong kung siya ba raw ay buntis.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Janine ang kanyang larawan kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Paolo Avelino.

Sa nasabing post ay binati niya ang kanyang fans ng "Merry Christmas".

Ngunit sa comment section ng kanyang post ay may isang netizen na nagtatanong kung buntis ba raw ang actress.

Tanong ng netizen: "@janinegutierrez priggy ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo[?]" 

Nang makita ito ni Janine ay kalma niya itong sinagot.

"PMS bloat actually," paglilinaw ni Janine, na ang tinukoy na PMS ay "premenstrual syndrome." 

Dagdag pa ng actress: "I've been holiday eating since wala pang taping. It's okay to enjoy the off season [smile] Diet na ulit after Christmas." 

"Sana masarap din kain mo this December [smile emoji]."sabi pa ng actress 


Si Janine Marie Elizabeth de Leon Gutierrez o mas kilala bilang Janine Gutierrez ay isang kilalang television host, commercial model, at singer. Siya ay graduate sa Ateneo de Manila University na may degree nang European Studies. Siya ngayon ay isang Talent ng ABSCBN.

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment (0)
Previous Post Next Post