Ex-wife ni Vhong, ibinahaging bumabawi ang actor sa kanyang mga anak

 

Ibinahagi ng dating asawa ng Its Showtime host na si Bianca Lapus na bumabawi umano si Vhong Navarro sa kanyang mga anak.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Bianca na sobrang happy raw ng kanyang mga anak sa paglaya ni Vhong.

"My son is very happy nagbabawi ng oras ang mag-aama," ani Bianca sa bahagi ng kanyang tweet.

Matatandaan na ilang buwan na nawalay si Vhong sa pamilya makaraan itong makulong sa National Bureau of Investigation detention facility at Taguig City Jail dahil sa kasong r@pe na isinampa ni Deniece Cornejo.

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys. Si Vhong ay isa sa mga original host ng Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form