Billy Crawford nagreact na sa pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro

 

Nagbigay na ng kanyang reaksyon ang TV host na si Billy Crawford kaugnay sa paglaya ng dati niyang kasamahan sa Its Showtime na si Vhong Navarro.

Sa interview ni Mama Loi kay Billy sa Showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay diretsahan niyang inamin na masaya siya sa pansamantalang paglaya ni Vhong.

"Siyempre naman, sino ba naman ang hindi matutuwa sa balitang ito, especially itong Paskong to dapat magkasama ang mga pamilya, di ba?" sabi ni Billy 

Sinabi rin ni Billy na nagka-text na raw sila ni Vhong.

"Actually, nag-text-an na kami ni Kuys [Vhong] and I'm just really happy sa kanya na, at least, makakasama niya yung anak niya, makakasama niya yung asawa niya, at magiging buo yung Pasko nila."sabi niya 

Humiling naman si Billy ng dasal para sa kaibigang si Vhong dahil mahaba-haba pa raw ang pagdaanan pagdaanan nito.

"Naging malungkot sa buong industriya at sa buong sa Pilipinas, actually, nung naikulong siya. Pero at the end of the day, sana ma-resolve nang tama at sana ipagdasal pa rin natin si Vhong kasi medyo mahaba-haba pa rin ang pagdadaanan niya."sabi ni Billy 

Dagdag pa niya: "Siyempre, legal matters na ito hindi tayo puwedeng makisawsaw lang. So, kung ako lang, natutuwa ako dahil sa kaibigan ko na nakabalik siya sa pamilya niya ngayong Pasko." 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys. Si Vhong ay isa sa mga original host ng Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form