Carenderia owner di makapniwala matapos bayaran ni Vice ang 52k niyang utang

 


Halos hindi makapaniwala ang may-ari ng karenderya sa Mabalacat, Pampangga matapos bayaran ni Vice Ganda ang kanyang 52k na utang.

Sa recent vlog ni Vice, ay kumain sila sa isang karenderya sa nasabing lugar at laking gulat ng may-ari nang bilhin ni Vice ang lahat ng kanyang paninda.

"Ikaw na ang bahala kung ipapamigay mo sa mga kapitbahay mo basta bibilhin ko na lahat 'yan," sey ni Vice.

Binilhan din ni Vice ng mga bagong gamit sa karenderya, mula sa mesa hanggang sa mga kaldero ang nasabing owner.

Maliban sa mga nabanggit na nabigay ni Vice ay binayaran pa nito ang utang ng may-ari ng karenderya sa bumbay na nagkakahalaga ng P52,800.

"Habang nabubuhay ako, hindi ko makakalimutan ang saya na ito," aniya.

Nagpapasalamat naman ang may-ari ng karenderya kay Vice sa tulong na ibinigay nito.

"Maraming-maraming salamat po sa lahat sa ibinigay n'yong tulong. Hindi ko po makakalimutan ito, ma'am. Salamat po," sabi naman niya kay Vice.

Si Vice Ganda ay kilalang komedyante at TV-host dito Pilipinas. Siya ay tinaguriang unkabogable star dahil sa mga box office hit niyang nga Pelikula. Kasalukuyan din ngayong main host si Vice ng noontime show na Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form