Brenda Mage naglabas ng saloobin matapos manakawan ng alahas, kaibigan nga ba ang kumuha?

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang post ni Brenda Mage sa kanyang facebook na kung saan idenitalye niya ang tungkol sa mga nawawala niyang alahas.

Kwento ni Brenda sa kanyang pinost, ninakawan raw siya ng alahas. Tila may pahiwatig din si Brenda na kilala niya ang kumuha ng kanyang alahas.

Kwento pa ni Brenda hindi pa raw fully paid ang mga nawawalang alahas.

"So Sad..isang singsing na may kumpletong Bato dalawang hikaw at isang Pendant ang nawala... try natin kung mahulaan ba ng manghuhula ang nagnakaw ng mga alahas ko... kaloka dipa nga fullypaid ninakaw pa... malaman ko lang sinu kang Tridor ka..,"sabi niya 

Sa sumunod niyang post, ay sinabi ni Brenda na hindi siya nagsisisi na open siya sa kanyang mga kaibigan.

"Never kong pinagsisihan at hinding hindi ko pagsisihan na naging open ako sa mga kaibigan ko sa loob ng kwarto ko.....Kung nanakawan man ako diko na kasalanan yun..Kahit sinuman magtiwala ka man o hindi maging mahigpit ka man o hindi kung talagang may gustong magnakaw mananakawan ka talaga.."sabi niya 

Sa isa oa niyang post, tila kinuwestyon niya ang kumuha sa kanyang nga alahas kung bakit umano niya ito nagawa.

"Kung totoo man huhuhu nakakalungkot bakit mo nagawa sakin yun  Nagbibigay naman ako pag kailangan nagpapautang naman ako pag kailangan.. Bakit mo pa ako nanakawan?" sabi ni Brenda 

"Nagpapasalamat ako sa Panginoon at nangyayari tong ganitong bagay.. Dahil mas natututo ako at mas nakikilala ko yung mga totoong tao sa paligid ko.. Thankyou Lord," sabi pa niya sa sumunod na post 

Si Brenda Mage ay isang kilalang vlogger at komedyante dito sa Pilipinas. Siya ay unang nakilala ng sumali sa Miss Q&A ng Its Showtime. Mas lalong nakilala si Brenda matapos siyang sumali sa reality show ng Kapamilya Network na Pinoy Big Brother Celebrity Edition.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form