Breaking! Jovit Baldivino pumanaw na

 

Pumanaw na ang Pilipinas Got Talent champion na si Jovit Baldivino. 

Kinumpirma ito ng kanyang asawa ayon sa report ng  DWIZ 888.

Ayon pa sa report, kaninang madaling araw lang binawian ng buhay si Jovit sa Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas.

Matatandaan na humiling kamakailan lang nang panalangin ang asawa ni Jovit.

Nagbabala din ang asawa ni Jovit para sa nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanyang asawa at pinagkakitaan lamang ito.

"Sa Lhat po ng nag Popost sa asawa ko siguraduhin nyong tama ang post nyo at d kau nakakatulong lalo nyo pinalalala d kau nakakatulong matuto kau humingi ng permission..wag nyo pong palalain ang sitwasyon nya!!!!!!makapag post lng kau...prayers po ang kailangan nmn d ang maling post nyo!"sabi ng asawa ni Jovit sa kanyang post sa Facebook 


Si Jovit Baldivino ay kilalang ay kilalang singer dito sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang nanalo sa reality talent competition show na Pilipinas Got Talent noong 2010.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form