Payo ni Xian Gaza kay Vhong Navarro usap-usapan ngayon sa social media

 



Usap-usapan ngayon sa social media ang payo ni Xian Gaza sa actor na si Vhong Navarro.

Ayon kasi ni Xian sa kanyang social media post, naniniwala raw siya na ginawa raw iyon ni Vhong.  

"Vhong Navarro naniniwala ako na ginawa mo talaga yun. Well, wala namang taong perpekto. Who am I to judge you? I'm a sinner too. "sabi niya kay Vhong

Kaya nagbigay siya ng payo sa actor na umanoy gayahin siya na umalis ng bansa.

"Payo ko lang sayo, lumabas ka na ng bansa habang may oras pa. Gayahin mo ako. Madidiin ka lang diyan at mabubulok sa kulungan," sabi ni Xian kay Vhong 

Maalala na pansamantalang napiit si Xian dahil kinasangkutan umano nito na Php2.6 million na investment scam. 

Naging kontrobersyal pa noon lalo si Xian dahil sa mga kuhang larawan sa kanya na nakangiti pa matapos na madakip. 

Si Vhong Navarro ay isang sikat na actor, model, dancer at host dito sa Pilipinas. Isa rin si Vhong sa mga miyembro sikat na dance group na street boys. 

Si Vhong ay isa sa mga original host ng Its Showtime.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form