Malaki ang pasasalamat ni Yen Santos sa kanyang leading man na si Paolo Contis nang manalo siyang bilang best actress para sa pelikula nilang "A Far Away Land". 

Sa kanyang speech ay nagpapasalamat mina si Yen sa Mavx Production dahil sa offer nitong project sa kanya kahit pandemic.

“Kaya gusto ko pong magpasalamat sa Mavx Productions, kay Direk Roni [Veronica Velasco], sa staff and crew. Maraming-maraming salamat sa inyo." sabi ni Yen 

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang leading man na si Paolo.

"And of course, to my leading man Paolo Contis — sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo."sabi ni Yen

“Ahhm, I’ll always be your number one fan."dagdag pa niya 

Nagpapasalamat din siya sa Gawad Urian na nagtiwala sa kanya.

"And of course, maraming-maraming salamat po, Gawad Urian, for believing in me! Best birthday gift ever! Thank you!”sabi ni Yen 

Si Yen Santos ay kilalang actress dito sa Pilipinas. Una siyang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother Teen Clash 2010.

Sumikat ang actress dahil sa pagganap niya bilang si Ysabel Espiritu sa Pure Love, isang Philippine adaptation ng Korean drama na 49 Days. Bumida rin si Yen sa hit series ng Kapamilya Network na Halik kung saan kasama niya sina Sam Milby, Jericho Rosales at Yam Concepcion.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post