Naglabas ng kanyang prangkang saloobin si Ogie Diaz sa pagka-cancel ng kanyang guesting sa morning talk show sa All TV.

Ang nasabing talkshow ay hosted by Mariel Padilla, Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto na may pamagat na "M.O.M.S." 

"Eto atin-atin lang ha. Kinancel yung guesting ko  (sa All TV) . Peru okay lang naman. Hindi naman hinarang baka nag-iba lang sila ng line-up of guests. Hayaan muna ganun talaga ang buhay" sabi ni Ogie 

Nilanaw din ni Ogie na walang problema para sa kanya na na-cancel ang kanyang guesting.

Peru nang tanungin siya kung sakaling imbitahan siya ulit sa nasabing show. 

Sabi niya: "Hindi. Busy ako. Ganun lang kasimple. Hay naku, dun na lang ako magge-guest sa Magandang Buhay. O di ba?" 

Si Ogie Diaz ay isang komedyante actor, entertainment reporter, at talent manager.

Kilala si Ogie bilang si "Pekto" ang pangalan sa karakter ng dating long-running  television show na Palibhasa Lalake.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post