Inasar ng Self Proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza ang actress na si Barbie sa viral nitong post.

Ayon kay Xian, bagay raw si Barbie sa player ng Jose Rizal University na si John Amores.

"Barbie Imperial bagay kayo nung John Amores haha" sabi ni Xian sa kanyang post 

Wala namang ibinigay na iba pang detalye si Xian kung bakit niya ito nasabi.

Matatandaan na nagsampa ng reklamo kamakailan ang actress na si Debbie Garcia laban kay Barbie matapos umano itong kalmutin at murahin ng actress sa isang bar sa Quezon City.

Samantala plano namang sampahan ng reklamo ng College of St. Benilde si John matapos nitong sugurin ang kanilang bench at magpaulan ng suntok sa mga players sa NCAA game nitong Martes.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post